Gumagamit ang Google ng mga cookie para i-deliver ang mga serbisyo nito, para i-personalize ang mga ad, at para suriin ang trapiko. Maaari mong i-adjust ang mga kontrol ng iyong privacy kahit na anong oras sa iyong Mga setting ng Google.
Sulitin ang web gamit ang mahuhusay na tool ng Google
Ang lahat ng gusto mo tungkol sa Google ay bahagi lang ng karanasan sa Chrome. At kapag built-in sa device mo ang pinakamahuhusay na tool sa web, madali kang makakapag-focus.
Sumasagot bago ka pa matapos sa pagta-typ...
Ginagamit ng address bar ng Chrome ang Google Search para gawing mabilis at simple ang anumang misyon sa paghahanap ng tunay na impormasyon. Naghahanap din ito sa iyong Google Drive, kaya mas madaling makita ang planong bakasyon sa susunod na linggo.
Parlez vous web?
Nasaan ka man sa web, o sa mundo, makakapag-translate ka ng buong site gamit ang Chrome sa isang pag-click. Awtomatikong nagpo-prompt ng pagsasalin ang Chrome kapag kailangan mo ito.
Magpaalam sa mga nakakainis na ad
Inaalis ng built-in na ad blocker ng Chrome ang mga nakakainis at nakakapinsalang ad, kaya napipigilan ang mga ito na i-access ang iyong computer o telepono. Kapag mas kaunti ang mga awtomatikong nagpe-play na video, countdown, at ad na sumasakop sa page ng iyong screen, mas makakapag-focus ka.
Iniangkop sa iyo ang Chrome
Kapag nag-sign in ka at ini-on mo ang pag-sync, mas marami kang makukuhang bagay na gusto mo. Mula sa iniangkop na content feed sa iyong mobile device hanggang sa address bar na magagamit mo para maghanap sa Google Drive mo, naaangkop sa iyo ang lahat.
Manatiling updated sa pamamagitan ng mga artikulo para sa iyo
Kapag ginamit mo ang iyong telepono, nagpapakita ang Chrome ng mga artikulo, blog, at content na sa tingin namin ay maaaring magustuhan mo. Kung mas gagamitin mo ang Chrome, magiging mas naka-personalize ito. Kaya palagi mong madaling makukuha ang mga bagay na pinakamakabuluhan sa'yo.
Tandaan: Ang pag-install ng Google Chrome ay magdaragdag ng storage ng Google nang sa gayon ay awtomatikong papanatilihing napapanahon ng iyong system ang Google Chrome. Kung hindi mo gusto ang storage ng Google, gawin ang “sudo touch /etc/default/google-chrome” bago i-install ang package.
Mukhang Chrome browser na ang ginagamit mo. Magaling!
Ang device mo ay pinapagana ng Chrome OS na mayroon nang built-in na Chrome browser. Hindi na ito kailangang manual na i-install o i-update — gamit ang mga awtomatikong update, palagi mong makukuha ang pinakabagong bersyon. Matuto pa tungkol sa mga awtomatikong update.
Hinahanap mo ba ang Chrome para sa ibang operating system?